Isa sa mga nakakatuwang napag uusapan minsan sa baryo ay ang Differential Calculus, pero malinaw naman na ang mathemathical term na ito ay lingid sa talatinigan ng kanilang bokabularyo.
Nakaugalian na ng mga magsasaka sa ating baranggay ang mapag usapan ang lagay ng kanilang mga pananim sa palayan kasama na dito ang pagpunla ng binhi,pagpalago ng tubo ng palay o mga takda sa pagpa patubig o permiso sa pagpapabukas ng irigasyun ,pagapas ng damo at kailangang abuno,minsan kung may masamang panahong darating na bagyo na may dalang pagbaha nag kakaroon sila ng seryusong pag ta-tanya ng mga gagawin.
Likas na sa ating mga abang mag sasaka ang magkaroon ng malalim na analisasyun sa mga hakbangangin pag lalaanan nya ng panahon .Ang nakakatuwa sa di natin inaasahang senaryo
ay maitutulad natin ang kanilang mga metodolohiya o teknik gamit ang kalkulasyun sa Differential Calculus. At bakit?
Bago pa man mag tanim ng palay ang mga mag sasaka ay nag lalaan na sila ng binhi na papalaguin sa kwadro sa loob ng palayan.Ito ang kanyang naturang kwentada at kalkulasyun
Una, kailangan nyang punuin ang dalawang tig-iisang metro kwadrado na luwang para sa binhian ng palay, at kailangan sakto ito dahil masasayang ang palay na gagamitin. Bilang nya din kung ilang bahagi ang laman ng sako ng palay na sasaktong patubo sa dalawang parang o depende sa dami.
Pangalawa, tantyado at exacto ang kalkulasyun nila ng panahon para sa pagusbong ng binhi ay hindi ito lampasan ng tubig sa panahon ng pagtubig.
Pangatlo,simpleng haba ng pisi o lubid naipapakita na lamang sa metro kwadrado ng binhi ay pasok pa ang stratihiya sa Differential Calculus, halimbawa sa sampung metrong bakud sa binhi ng lubid at para walang sayang , ilang piraso ng pag puputol ang kinakailangan o sasakto ba ang haba ng pisi at kung man ilan ang mada dagdag. Para sa lahat di sanay itong abang mag sasaka natin gawa ng sa layo ng palayan sa kabayanan ay walang puwang ang kamalian o ulit at mali at sayang din ang pagod at gastusin mapunta nalang sana sa susunod na abuno.
Bagaman lingid na sa kaalaman ng lahat ang ganitong senaryo sa baryo , ay di ko pa din malilimutan ang minsang napag uusapan nila. "Poko Mas Ominus" ,kumulang o sumobra ay mga salitang kalabisang napag uusapan nila para i analisa ang mga bagay na may bilang o dami o antas ng kalkulasyun sa palayan o bukirin.
|
Metro kwadrado ng binhi |
Ipalagay natin na ang sitwasyun ng kalkulasyun nito ay tumpak sa kagagamitan ng Differential equation . At bakit nga ba naging diperensya? Simple lang ang sagot ang pinaka sukat man o bilang ang pinag uusapan dahil sa ito ay humahantong sa dalawang resulta ng sukat o bilang.
Ipagpatulad natin ito sa pag alam ng pinakamalaking lawak ng lugar na pwedeng pag tamnan ng binhi at ang kakailanganing bakud para dito.
Halimbawang may nakalaan lang ang nasabingmag sasaka ng tatlong daang piye (300 ft) kalawak na bakod.Ang tanong anong sukat ang pinaka malaki para sa lawak ng pagtataniman ng binhi?
Ipagpalagay na natin ang pag tutulad na ang pinaka malaking lawak ay may kalkulasyun o sukat sa nasabing dalawang sukat ang pahaba("y" ) at ang pahalang ('x')
I) Sa natural na lawak ang sukat ay Lawak (A)= 2L * 2W , sa ibang definisyun ang nasabing lapad at haba na kayang buohin ang lawak ng lugar
II) Palawigin pa natin ang inpormasyun hingil dito , ang naturang pag babakud ay may pitong baha-bahagi.Ito ay,
300 = x + x + x +x + y +y +y
300 = 4x + 3y
III) Sa naturang pag tutulad ay mababalangkas natin na ang isang pahaba (y) ay may may kalkulasyun na tual ng..
IV) Alamin natin ang sakop ng pag tutulad , sa pag susukat na ito, hindi pwedeng maging kulang o negatibo ang pahalang ('x') na parte ng bakod. Sa anumang sagot na pwedeng makuha sa pahalang ('x') ay 300 hahatiin sa apat (4) o kaya hahatiin sa pitumput lima (75). Opo naman wala kasi ito sa realidad (ano ba kayo walng invisible na bakud kulang pa kaya sa wala (0)?). Sa makatuwid ang sakop lang ng kalkulasyun para malamang ang pahalang ('x') na bakod- poko mas o minus, hihigit o kululang 0 ≤ x ≤ 75. Yan ang posibleng diperensya...
V) Hanapin natin ang maaring maging sukat ayun sa nakalaan lang na bakud ayun sa lawak ng lugar na pag bibinhian, A(x) di pwedeng lalampas o kulkulang sa pagitan ng (0, 75). Kaya ipag palagay na nating makipot o walang pag susukat sa 'x' pahalang (ipagpapalagay lang) wala (0-zero). Tingnan natin ang kalkulasyun.
sa kadahilanang ang A′ ay may pag tutudlas sa lahat ng sukat na pwede sa pahalang , 3.75 ay ang sagot na sukat
VI) Suriin po natin ang pag tutulad sa pahalang na sukat , 37.5 at ang hanganan ng puwang ng , 0 and 75.
VII) Palagi nating tatandaan na sa pag susuri ng pagtutulad ang hanganan ng puwang o limitasyun ang mga pangunahing alituntunin lamang sa pag hanap ng tiyak na sagot nito. Ang Minima o Maxima , o humigit ba o kumulang sa naturang sakop lamang ng tinitiyak na sagot nito maging bilang ng dami o sukat ng laki.
Sa ating tinalakay ang kalakhan ng lawak ay is 3750, and thus, an x-value of 37.5 feet maximizes the corral’s area. The length is 2x, or 75 feet. The width is y, which equals ...dahil sa ang pinka mahabang pahalang ay 37.5 piye(ft) sa nakatalagang 300 piye (ft) na pangbakud lamang . Ang dalawang pahalang sa mag kabilaan ay 2X o sa kabuohang 75 piye (ft). At ang lapad ay ('y') na may tulad sa kalkulasyun o relasyun sa pahalang ('x') na...
IV.5) Kung ating ihahalili ang bilang ang 37.5 piye(ft) sa pahalang ay reresulta sa
o singkwenta piye (50ft) na habang palapad
Sa makatuwid ang mag sasaka ay makakabuo ng 75 foot by 50 foot , na may lawak na 3750 piye kwadrado .
Konkulsyon:
Sa realidad ng sitwasyun na ito gamit ang Differential Calculus malamang di literal na teknolohiya ito ng mga magsasaka,subalit ang nasabing pamamaraan ng ganitong kaalaman ay nag bigay sa kanya ng tamang sukat at walang aksya sa mga nakatalagang gagawing pangbakud. Sa ating nasaksihan
di lang natugunan ang pinaka malaking lawak ng espasyo para sa bakud, bagkus nalagyan pa nating bakud ang gitna. Sa kadahilanang kung walang bakud sa gitna ay magkakaroon lamang ng lawak o kabuohan laki na 3600 square feet at 3673 square feet. . Kaya sa naturang pag susukat mahalagang malaman ang sukat na sakto at walang sayang na gamit o kaya bakud na sa ibang pagkakataon ay humantong sa pag kalugi o pagka aksaya ng pera o puhanan sa pag tatamin sa palayan o bukirin.
Gamit ang Calculus sa pag papadami ng punlaan ng Palay(Video)
Maraming Salamat.
E^3